Friday, January 13, 2012

PARA SA 'YO....


Isang taon at limang buwan,
mahabang panahon na rin
ang ipinagluksa ko
simula nang ikaw ay mamaalam, 
kapatid ko.

Para sa yo
nagpapakatatag ako.
Para matupad ko
mga pangako ko
kay mama at sa yo.


Pagal na rin naman 
itong katawan ko.
Hinahabol ko na lagi
itong hininga ko.
Pero kelangan kong magpatuloy,
kahit ayoko na dito sa mundo.


Mabuti ka pa, kapatid ko,
nagpapahinga ka na.
Alam ko namang 
doon sa Bayang Banal
tayo'y muling magkikita.