Monday, April 9, 2012

MABUHAY!...LONG LIVE!...GOD SPEED!


Isang kaibigan
ang muling lilisan,
upang tunguhin,
ang ibayong bayan,
bagaman nagdanas,
nang matinding kalungkutan,
baon nya ay ngiti,
upang itago ang pighati!

Sa iyo, kaibigan,
 Melissa Lucas ang pangalan,
hangad nami'y iyong kaligayahan,
sa piling ng yong mga magulang,
gayon din sa piling
ng mga dayuhang kaibigan,
sana'y mahalin ka,
magpakailan pa man.

Ang dalangin namin,
nawa'y makarating kang
ligtas sa hilahil,
ligtas sa masalimoot 
na himpapawid at lakbayin.
Nawa ay lagi ka
ng DIOS pagpalain
sa anomang balakin
at iyong mga adhikain!

Nais naming sabihin,
''TAKE CARE, GOD SPEED!''
nawa sa susunod,
di ka maging matipid,
para dalhan kami,
ng kahit maliit na biscuit,
na mula sa bayang,
iyong nilalangit!
MABUHAY!
and LONG LIVE!